100 Decommissioned Combatants ang masayang tumanggap ng kanilang toolkits sa ilalim ng Special Training for Employment Program

100 Decommissioned Combatants ang masayang tumanggap ng kanilang toolkits sa ilalim ng Special Training for Employment program noong November 21, 2022 sa PTC-Sulu, HBSAT campus, Jolo, Sulu.

Ang mga nasabing iskolars ay nakapagtapos ng Electrical Installation and Maintenance NC II mula sa apat na pribadong training Institution ng Sulu.

Ang programa ay pinangunahan ng Provincial Head ng TESD Sulu at personal na inabot sa mga iskolars ang kani-kanilang mga toolkits.

Ang nasabing programa ay layuning matugunan ang pang araw-araw na pamumuhay gamit ang natutunan nila sa training at gamit ang stater toolkits na naipamahagi sa kanila.

#nobangsamoroleftbehind #toolkitsparasakita #tesdaabotlahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *