TIP para sa mga Decommissioned Combatants matagumpay na isinagawa

Upang masimulan ang pagsasanay ng mga Decommissioned Combatants sa ilalim ng STEP o Special Training for Employment Program ay isinagawa ang Training Induction Program noong November 23,2022 sa Mamasapano TVET Center, Mamasapano, Maguindanao.

Ang mga nasabing Trainees ay magsasanay sa TVI ng VMC Asian College Foundation, Inc. Sa kabuuan, 75 na Decommissioned Combatants ang kanilang sasanayin. 20 ang magsasanay ng Cookery NC II at 55 naman ang magsasanay ng Bread and Pastry Production NC II.

Nagpahayag ng kooperasyon at pasasalamat ang mga nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre at magkaroon ng kalidad na kasanayan.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *