50 Trainees masayang nagtapos ng Skills Training

Matapos ang pagsasanay ng mga Trainees sa Mamasapano Technical Vocational Education and Training Center ay isinagawa ang kanilang Graduation Ceremony at ipinamahagi din ang kanilang Training Support Fund allowance. Ang programa ay isinagawa sa Brgy. Tugal, Midsayap, North Cotabato.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang pagsasanay nila tungkol sa EIM NC II (25 slots) at Driving NC II (25 slots) kung saan nakapaloob ito sa programa ng BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre. Gagamitin nila ang panibagong kaalaman at kalidad na kasanayan sa pag-angat ng kanilang kabuhayan.

#mbhtemaguindanao #GraduationCeremony #ReleasingofTSFAllowance #BSPTVET#TTPB #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *