65 Trainees matagumpay na nakapagtapos ng Skills Training

Isinagawa ang Graduation Ceremony ng mga Trainees na nagtapos ng ACP NC II (20 slots) at Driving NC II (45 slots) sa TVI ng Pagalungan Training and Assessment Center na matatagpuan sa Poblacion, Pagalungan, Maguindanao.

Ang mga nakapagtapos ay kabilang sa BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro. Kasunod ng kanilang Graduation Ceremony ay ipinamahagi din ang kanilang TSF allowance.

Labis na tuwa at pasasalamat naman ang ipinakita ng mga nagsipagtapos ng pagsasanay dahil gagamitin nila ang kanilang mga natutunan sa pagtatrabaho o pagnenegosyo.

#mbhtemaguindanao #GraduationCeremony #ReleasingofTSFAllowance #BSPTVET #TTPB#nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *