Matagumpay na inilunsad ang Ikalawang araw ng Provincial Skills Competition ngayon Oct. 12, 2021 sa Mindanao Autonomous Colleges Foundation Inc.

Ang unang araw ng paligsahan ay ginanap naman sa Hardam Furigay College Foundation Inc., kahapon, October 11, 2021 na kung saan mga kabataan edad 18 hanggang 22 ang nagpagalingan sa pagluluto at pag set up ng mga computer networks.

Ang paligsahan para sa taong ito ay isasagawa sa loob ng 3 araw at ang mga mananalo ay iaanunsyo sa darating na October 14, 2021.

Ang mga larawang ito ay iilan lamang sa naganap na kompetisyon ng Bread and Pastry Production.

Source: https://web.facebook.com/MBHTETESDBARMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *