Monitoring and Supervision isinagawa ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office

Upang masiguro na kalidad na kasanayan ang ipinapamahagi sa bawat Trainee na nagsasanay ng iba’t ibang kasanayan ay isinagawa ang Monitoring and Supervision sa Datu Ibrahim Paglas Memorial College, Poblacion, Datu Paglas, Maguindanao.

Ang mga nasabing Trainees ay mga Decommissioned Combatants sa ilalim ng STEP o Special Training for Employment Program kung saan 20 sa kanila ay nagsasanay ng Bread and Pastry Production NC II sa TVI ng Datu Ibrahim Paglas Memorial College.

Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang matiyak na libre at kalidad ang ibinibigay na kaalaman at kasanayan sa lahat ng mamamayan.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *