TIP isinagawa sa ilalim ng STEP

Upang simulan ang pagsasanay ng 65 na Decommissioned Combatants na kabilang sa EO-79 ay isinagawa ang Training Induction Program sa ilalim ng STEP o Special Training for Employment Program kung saan magkakaroon sila ng libre at kalidad na kasanayan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kabuhayan.

Ang nasabing programa ay isinagawa noong October 17, 2022 sa Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao kung saan kabilang ang mga Trainees na magsasanay ng Carpentry NC II (20 slots) sa TVI ng VMC Asian College Foundation, kabilang din ang mga magsasanay ng Bread and Pastry Production NC II (20 slots) sa Ittihadun Nisah Foundation Organization at ang mga Trainees ng Dressmaking NC II(25 slots) sa Darussalam Institute of Technology,Inc.

Labis na pasasalamat naman ang ipinahayag ng mga Trainees sa pag-asang ibinigay sa kanila upang magkaroon ng pagkakataong mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman patungkol sa mga kasanayang kanilang magagamit tungo sa kaunlaran.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *