Pagpupulong para sa Implementasyon ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) 2021 & 2022

Pagpupulong para sa Implementasyon ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) 2021 & 2022 ay isinagawa noong September 8,2022 ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office kung saan inimbitahan ang mga TVI at mga miyembro ng Hugpong Federal Movement.

Ilan sa mga tinalakay ay ang mga dapat paghandaan ng opisina at mga katuwang na ahensya sa isasagawang implementasyon upang masigurong magiging matagumpay ang pagsasagawa nito at maiwasan ang mga suliranin na maaring makahadlang dito.

Ilan sa mga TVI na katuwang ay ang Ittihadun Nisa Foundation, Foureych Technical Vocational Education & Learning Center, Inc., Illana Bay Integrated Computer College, Inc., Darussalam Institute of Technology, Inc., Mamasapano Technical Vocational Education and Training Center, Inc., at Lamalan Balis Flash Image Learning Center, Inc.

Nagpahayag naman ng kooperasyon ang lahat ng kabilang sa programa upang mas mapalawak pa ang pagbibigay ng kalidad na kasanayan sa lahat ng mamamayan.

#mbhtemaguindanao #Meeting #TWSP #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *