TIP matagumpay na isinagawa sa ilalim ng STEP

80 na Decommissioned Combatants ang magsasanay sa Bread & Pastry Production NC II upang magkaroon ng kalidad na kasanayan patungkol sa paggawa ng tinapay.

Upang masimulan ang pagsasanay ng mga DCs na kabilang sa STEP o Special Training for Employment Program ay isinagawa ang kanilang Training Induction Program noong Sept 8,2022 sa Brgy. Poblacion, Datu Paglas, Maguindanao.

Ilan sa mga benepisyo ng mga nasabing Trainees ay ang libreng pagsasanay, libreng assessment, training support fund allowance at tool kits na kanilang magagamit sa pagtatrabaho o pagsisimula ng negosyo.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nabigyan ng pagkakataong makapagsanay.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *