Training Induction Program matagumpay na isinagawa para sa 20 na Trainees

Upang masimulan ang pagsasanay ng 20 Trainees ay isinagawa ang Training Induction Program sa Brgy. Kibleg, Upi, Maguindanao. Tinalakay ang mga mahahalagang paksa sa nasabing programa sa pangunguna ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform.

Ang mga napiling Trainees ay kabilang sa Food Security Program kung saan sila ay magsasanay ng libre patungkol sa Pest Management NC II. Ang TVI na magsasanay sa kanila ay ang Upi Agricultural School kung saan sila ay magkakaroon ng libre at kalidad na kasanayan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *