TVET FORUM isinagawa sa MBHTE-TESD Basilan PO

Ang MBHTE-TESD Basilan Provincial Office ay nagsagawa ng Technical-Vocational Education and Training Forum (TVET Forum) na dinaluhan ng sampung (10) Technical Vocational Institutions sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.

Isinagawa ang naturang TVET Forum nito lamang araw, November 22, 2022 sa Function Room, MBHTE-TESD Bldg., BGC, Sta. Clara, Lamitan City, Basilan na kung saan ang mga dumalo ay nagkaroon ng pagkakataon na magtanong at malinawan sa rules and guidelines ng ahensya.

Naging matagumpay ang forum sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman, Supervising TESD Specialist Yasher R. Hayudini, PTCACS Focal Nurdyana P. Gaddong, Scholarship at Customer Satisfaction Focal Muhmin J. Edrosolo, iba pang mga tauhan ng ahensya at higit sa lahat ang mga TVIs na nagbahagi ng kanilang oras at partisipasyon.

Sa pamamagitan nito mas maipalalakas pa ng MBHTE-TESD at ng kanilang mga partnered institutions ang kalidad ng kanilang serbisyo sa probinsya.

#mbhtebasilan #TESDMoralGovernance #NoBangsamoroLeftBehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *